Tuesday, September 26, 2006

Bukas (27 Sept 2006)

Para bukas,
may konting kaba.
Kasi bukas,
minor surgery daw.
Parang kagat na langgam na turok.
Konting tabas, konting gupit.
Maliit na tahi.
Aray ko.
Kasi naman, pwede namang iwan
Kaso mo naman, nakakailang
Ayan, biglaan
Walang oras pag-isipan
Nagtanong, nagdesisyon
Pumirma
Ang balik bukas
Ngayon lang pumasok
Konting kaba, konting tanong
Tama nga ba
Bakit nga ba
Huwag na kaya?
Hay, sige na nga.
Kaya natin to
Kahit kakabakaba.

No comments: