Formula One sports. Paboritong panoorin yan ng asawa ko. Kasi nga dati syang car race driver. Yung pagharurot ng kotse, yung ingay ng makina. Type nya yan. Dati talagang sinusundan nya yan. Kahit saan pa man dulo ng mundo ang race, tatayo yan sa madaling araw para lang makapanood. Kasehodang dalawang araw ang tutok sa tv -- Sabado at Linggo. Training hanggang sa race na. Pero magmula nung nagka-anak, di na nya matutukan. Yung mga bata naman ngayon ang tumutok.
May bagong race din sa bahay. Kasi ang dalawang nangunguna sa Formula One - Schumacher at Alonso. Itong si Schumacher, ang first name nya - Michael. Etong panganay namin, Michaela naman. So magkatunog, except sa huling syllable. Pero itong si Isabela, ang aming bunso, nagtataka ngayon. Bakit daw Michael(a) Schumacher lang ang naririnig nyang nababanggit. Bakit pangalan lang ng ate nya, pano naman daw sya? Kaya everytime na maririnig nya sa radio or sa tv yung Michael(a) Schumacher -- hihirit din siya ng Isabela? Isabela, Isabela, Isabela. Patanong na pasigaw. Basta, gusto nya rin marinig ang pangalan nya.
Kaya ang sabi ng papa nya, gusto mo ikaw si Isabela Alonso. Kahit pa Fernando Alonso talaga sya. Kaya ngayon, kapag naririnig namin ang pangalan ni Alonso, hirit kami agad ng Isabela Alonso para naman kasali din sya. So ayan ang bagong Formula One drivers sa bahay namin.
Pero teka, di pa tapos. Kasi kahapon football naman ang naabutan ng mga bata sa sports news. Si Michael(a) Ballack naman ngayon. E ang hirit na naman ng bunso ko, asan daw si Isabela Ballack. Ang tawa namin talaga. Edi ngayon, tanong ko sa kanya, type mo bang maging Isabela Klose? Ay, ewan ko...