Sa dami ng drama ko sa buhay, yung mga blind dates ko ang di ko malilimutan. Sempre umpisa eh searching. Searching for friends na merong friends na meron din friends na available and able and wannables.
Umpisa yung officemate nung barkada ko. Nagkita kami sa loob ng Mercury Drug. Ewan ko kung bakit dun ko napili. Siguro kasi ang alternative na meeting place eh ang talipapa!! (At least mas konti tao sa MD, kahit baduy) Di ko sya kilala, di nya ako kilala. Blind date nga e. Pero dahil sa description (may kotse, top sales performer, mabait) -- ready ako. E pano kami nagkita? Intuition. Atsaka sya lang kasi yung mukhang matino na pumasok sa MD nung oras na yon. It was a dinner date sa isang diner sa Makati Ave. Ang masarap, pareho pa kaming may take out. Sempre, mas malaki ang supot ko! Kaso mo walang music in the air. Pero dahil okay naman sya, naipasa ko sya sa iba!
Super nangungulit na mama naman ang sumunod. Yan ang tumpak na description. Kasi daw kesyo nakita na daw nya ako sa office grounds at tinamaan sya ng lintek na kupido. Kumbaga, one sided blind date. Ka officemate sya nung asawa nung officemate ko. Gets nyo? Sinundo naman nya ako after office hours sa opisina. Kwentuhan kami sabay iwas sa mga rumaragasang jeepney, bus, side car at tricycle. Kasi naglakas kami papuntang Shangri-la Plaza. Sosy ano? Pero ang bagsak namin, sa food court!Nyahaha! Kasi type ko mag Japanese food. E ang hunghang, di kaya ang raw food. Actually nung kinuha ko na yung food tray ko, gusto ko syang pagtaguan. Bayad na naman nya e. Cruel, huh! After eating, sabi ko uwi na kami. Gusto pa nya akong ihatid sa bus stop. E mas type ko syang ihatid sa bus stop nya ano. Kaya bigla akong nag disappearing act. Am sure until now hinahanap pa rin nya ako :-)
Ang third act of my blind date scenario. Friend sya nung pinsan ng aking officemate. Gets nyo ulit? Nagkausap naman kami one time on the phone. To arrange the blind date. Meaning, phone pal na ba kami ng ganun? Nahuli ko kiliti nya. Kasi napatawa ko sya in a few minutes na nagchika kami sa phone. Hmm! Nagkita kami sa bahay nung pinsan ng officemate ko na friend nga nya. Di ko na ma-alala kung saan kami nagpunta at kung ano ang ginawa namin nung gabing yon. Ang na-alala ko lang -- isang gabing maulan. May kumatok sa pintuan. Surprise, my blind date is not a blind date anymore. Matapos na tulungan ko syang punasan ang kotse nya (men and cars, huh!), medyo nagka-igihan kaming dalawa. Igihan daw oh! Naging regular ang pagkikita namin. No commitment baga. Ouch! Mabuti na lang din. Kasi I had to leave the country, and leave him behind, too. I got one letter, one or two calls. Tapos ang maligayang araw.
Pero tuloy pa rin blind date. This time, former officemate ng officemate ko. Pinuntahan nya ako sa office. And I remember, he gave me a huge bar of chocolate. He scored a point kasi yung mga ganong kalaking choco bar eh kasama sa mga list of things I wanted to buy but I cannot. For one reason or reason or other (the other meaning, mahal kasi sya). Medyo napamahal sya agad sa akin lalo na nung nakita ko yung sports car nya. Kaya lang, yung laki ng bar ng choco nya, yun naman ang liit nya. Naku, sabi ko, kahit anong bait pa nito, no way. Baka matapakan lang kami ng mga taong asa paligid namin ano. So despite the fact that I am very much tempted because of a promise of more chocolates to come, tigok din sya.
Ngayon naman, ang Bangkok version. Wala talaga akong dala ano? Isa syang customer ng aking supervisor sa Thailand. Sinundo din nya ako sa office, kahit na walang pasok. For the simple reason na, I don't want to take the risk of dating the wrong man. (As if naman, lahat nung blind dates ko right men). So he came, I saw and I almost run away! Para kasing nakita ko yung replay nung last blind date ko sa Pinas. Like a bad dream I can't get out of. Kasi naman, mas maliit pa kamo sa akin. I cannot run away kasi walang back door yung office namin. I cannot pretend na di ako yung hanap nya kasi ako lang tao sa opisina. At ayoko namang i-cancel kasi sayang naman yung dinner, hahaha!! Off we go. Dinner, I simply love Thai food. Tapos a plus, a movie! Nope, I don't remember the title and even the story. Kasi naman singhot ng singhot yung katabi ko ano. He's crying over the movie. Ayan tuloy, na guilty ako. Kaya sabi ko sa kanya, I will give him a ride of a lifetime. Iniwan nya yung kotse nya at for the first time, nag MRT sya. Say nyo? Enjoy naman si mokong na mag balikan using the trains of Bangkok. Pero too long time with him, naglaho na yung guilty feeling ko. Gusto ko na lang mapag-isa sa aking munting mundo sa Bangkok. At yun din ang nangyari.
Masarap talagang makipag mag blind date. Free dinner, and free entertainment pa. Plus lessons learned. What lessons, kayo ng bahala. Ngayon, di na ko pwede mag blind date kasi yung huling naka blind date ko e with both eyes closed akong pinakasalan!