Ako ay Pilipino. Marunong mag Tagalog, nakakaintindi ng Bisaya (Nanay ko), sanay mag English. At sempre, mas sanay mag Taglish at mag Englog. Meron din akong influence ng badinggacions dahil I love my gay and happy friends, di bash!
Nung napunta ako ng Thailand for a short time, nakahagip ng konting Pasa Thai. Nung bumalik ako ulit ng Thailand at medyo nagtagal, natuto na talaga akong mag Pasa Thai. Minsan nga akala nila, Thai ako talaga dahil sa galing kong mag emote. Dahil akala ko rin, Thai ako, nagpumilit din akong mag-aral ng nakakabaliw na more than 40 alphabets nila. Natuto rin akong mag sulat, ng aking pangalan. At magbasa, nung script na SILOM. Kasi yun yung nakalagay sa van na dapat kong sakyan going to and from my office. Survival lang, ganon.
Tapos, nakarating ng Germany. Nag aral ng intensive German language course for one sem. At nag-aral ulit ng not so intensive German course for two sems. Okay naman ang Deutsch. Okay sa hirap! Dapat mong kalimutan ang English mo. Kasi iba talaga sila, sentence structure, etc. Halos mas pareho ng Pasa Thai. Alien type.
May kaibigan akong Pinay, dati rin sya sa Bangkok. Kapag nauusap kami, halo-halo, labo-labong German, Tagalog, Thai at English. Pati kami nababaliw. Buti na lang nagkaka-intindihan kami. Dati, kapag may i inquire ako sa telepono, itatanong ko muna - Can you speak English? Pag sinabi na - yes! Naku, super happy ako nyan. Pero sa sobrang happy ko, di naman ako makasalita ng deretsong English, mas maraming lumalabas na Deutsch words. Ang asawa ko, tawa lang ng tawa. Eh kung sya kaya pag inglisin ko, hmp!
Akala mo ba ngayon e sanay na ako? Sanay na ano? Ngayong meron akong dalawang anak na super daldal, mas nabaluktok ang dila ko. Gusto ko kasi matuto sila mag English at mag Tagalog, aside from the German language. Ang resulta, sa mga bata okay lang, pero sa dila ko? Di ko alam kung kelan ko matatanggal ang pagka braid nya.
No comments:
Post a Comment