Ah basta, ang pikon talo. Pero minsan, wala akong paki-alam. Lalo pa kung sa mga anak ko ang pag-uusapan.
Eto na nga ako. A mom trying to catch up with the dramatics of two small girls. Nakikipagbunuan between being just protective and being overly protective, tapos sasabayan pa, hmmp.
Ang tukoy ko e eto. Si Michaela, ang aking 5 years old. Masyadong selosa yan. Kahit na ngayon, medyo nakakapit pa rin yan sa saya ko. As if naman nag sasaya pa ako ano. E alam nyo na ibig sabihin ko.
Minsang hinatid ko sya sa isang kalaro nya. Medyo yata di maganda ang hangin. Lalo pa at dalawang malalaking, dambuhalang mga aso ang biglang nag hello sa kanya. Super ingay talaga ng kahol nila. E dahil late na kami (ihahatid ko naman si Isabela, 2 1/2) sa kanyang gymnastics; di ko na masyadong napansin. Basta say bye bye, a big hug, a small kiss and then run away na kami. E kasi nga, late na ano.
Akala ko okay na. Di ko sya sinundo kasi usapan at 5:30 pm, that was around 3 pm. Yun pala naman, ang kawawa kong anak, super nag iiyak. Hagulgol daw na akala mo eh ano nang nangyari sa kanya. Mga 30 minutes daw bago napatigil at nagpupumilit na umuwi. Kumbaga, naghalong takot sa mga lintek na aso at takot na baka di ko sya sunduin.
Ayun, na trauma ang anak ko. Kung dati na hilig nyang mangapit bahay, ngayon ayaw na. Dapat yung mga kalaro nya, sa kanya na pumunta. Di ko na realize to what extreme, until after two birthday celebrations. As in ayaw nyang pumunta. At kung pumunta man, di sya mag stay alone. As in either we stay with here or we all go home together. Kung dati e all out sya sa lakwatsa, ngayon naman, you need to push her out. Na minsan, kakapikon na rin kasi di mo nga maintindihan kung bakit naging ganon.
Pag tinanong mo naman, ang sagot, 'basta, I just want to stay with you, mama.' Buti sana kung ganon lang kadali para sa ating mga nanay yong sagot na yon ano.
Medyo may konting nerbiyos na sa aming mag asawa. Anong dapat gawin? Anong nangyari? Saan, saan, ako nagkamali?? Na umabot na pati sa kindergarten, ayaw na rin magpa-iwan. Kung dati e pinapalayas ako agad, ngayon naman, kapit tuko.
Di ko naman pwedeng parating bitbitin pauwi kasi sabi nga, dapat nating ipakita na alam natin kung ano ang tama para sa mga anak natin. Never give up. Aba, sempre, ako ganon din. Kahit na nagdurugo ang puso ko kapag everytime na iiwan ko sya. Kahit rinig kong nag iiiyak sya. Pero kasi naman, kapag di na nya ako nakikita, okay na ulit sya. Sempre alam ko yon dahil yung kindergarten tinatawagan ako to let me know that she's calmed down.
So teka, ayan na ang ang drama ng buhay namin for almost two months. And then last month, birthday nung kapitbahay namin na fave nya ring kalaro. So sabi ko, punta dapat sya. Kundi, baka di na sya imbitahin pa ng mga ibang kalaro nya. Dahil nga ayaw nyang ma iwan mag isa at iyak lang parati ang bitbit nya. At sabay pang, sabi na, papano na kapag ikaw may birthday? Tama man o hindi, ganon ang lumabas sa bibig ko kasi nga desperate na ako e.
Talagang almost one week ko syang tinutukan. To prepare her emotionally dun sa birthday party. Handa na yung gift na binili nya. Ready na yung costume nya. Pati extra props, gumawa pa kami. So, birthday na. Hinatid sya ng papa and ni Isabela. They stayed a bit kasi nga may konting alburoto pa rin. Pero at least, she stayed.
As in, royal celebration talaga. May nabunot na tinik! Ayan, tuloy, nasipag akong maglinis ng bahay. Pero ibang istorya naman yon.
At pati sa kindergarten, dahan dahan e nagiging balik na rin sa dati ang aking anak. Optimistic na rin sya at happy na rin kapag hinahatid namin sya. Di na sya clinging vine.
Kaya naman lintek lang ang walang ganti. Nung isang araw na narinig kong yung katapat ng bahay namin, na kaibigan nya. Aba, e nag celebrate ng birthday, ng di man lang sya invited!!! GRRRR.
Kayong mga nanay, na experience nyo na ba yan?
Sa akin, okay lang na di sya invited. Pero alam naman halos lahat ng mga nanay sa kindergarten kung gaano ka sensitive si Michaela ko. Tapos ngayong she's almost back in her feet, biglang ganyan? I simmered and boiled talaga. Since both kids are also in the garten, they can hear the party going on.
Sabi ko sa sarili ko, meron revenge of the nerds. So I stayed with the kids in the garden and played with them until their laughter could be heard over the party. I just have to show them that we can also have a good time while plotting my revenge. Inis. Inis. Inis talaga.
Pero sa totoo lang, I dont really know what I would do. Esp. kapag napansin ni Michaela that they are having a party with all of her friends there tapos di sya invited. Pero anyway, I kept on calling Michaela's name while playing with her so that they would know that my Michaela exists. As in, GRRR ulit.
Ayan na nga, biglang nagtanong si Michaela. 'Mama, ____ (name of the girl) have some friends with her.' Well, sagot ko naman sa kanya: 'It is okay. You have your sister with you and we are having a good time, too.'
Mabuti na lang di nya nakita yung balloons and the kids. Kundi sasabog ulit ang Pinatubo but this time ang ashfall concentrated sa Alemanya.
Ayan, pag uwi ng Papa nya sinabi ko agad. How I hated it that they didnt invite Michaela to the party. At least he joined my irritated mood. He answered, 'then dont invite the girl to Michaela's party, too.'
Simple. As if yun na ang solution. Pero at least nahawa sya sa inis ko ano. Kasi if he took it slightly, sya ang magiging punching bag ko talaga. Hanap talaga ako ng away.
Medyo nag cool down na ako after dinner. I asked Michaela then: 'Would you go to ___ (girl's name) if she invited you to her birthday party?' And she answered as I know she would, 'No Mama. I dont want to go there because she's got a big dog.'
Ayan. It just confirmed my suspicion. They could have pre-empted Michaela rejecting the invite because they know she don't like the dog. But they could at least give her the option to say yes or no, right? Kasi kung ako ang nanay nung bata, I would definitely would want to still give the invite despite knowing about these things. It is a kid's prerogative to say yes or no.
Tama ba ako? Kung mali ako, wala akong paki-alam. Wala silang karapatan. Basta ang sa akin, I am protecting my child's self confidence.
My girls are loved. Protected. Kahit na minsan, admittedly, talo ako. Dahil napikon nga!