Wednesday, November 19, 2008

Street Food: Madumi o Hindi? = Dirty or Not?



LP: Madumi (Dirty)

Sabi ng iba madumi daw ang mga pagkain na nilalako sa labas, na niluluto sa harapan ng kalsada, na nakabilad sa palengke. Ang ibang mga magulang ay pinagsasabihan ang mga anak nila na umiwas kumain ng mga ito. Pero mabenta pa rin sya kahit anong sabihin nyo.

Some people says street foods are dirty. Most parents warn their children against eating those kind of things. But whatever they said, those food lining the streets are best sellers.


Katulad ng tinda ng mamang ito. Busy sya sa kanyang pag-prito ng kwek-kwek. Habang nakaparada ang kanyang kariton sa isang kanto ay maraming nag-aabang na maluto ang mga itlog para simulan na ang tumusok.

Just look at this man. He is busy frying his kwek-kwek (fried quail egg) while people were waiting around him to pick their choice.

Katulad ng maruyang ito na dalawang piraso na lang ang naiwan kahit na walang tabing na nakabilad sa kalye at nakaumang sa mismong tambucho ng mga sasakyan sa EDSA.

These fried bananas were snapped up in a minute. Even though the store selling them is right in front of the bus station where it adds a flavor of the smoke of the passing vehicles.


Katulad ng bananacue na ito na dinumog ng mga tao dahil bagong luto sya. Kahit na ilang beses na syang pinagpilian ng ibat ibang kamay.

And this bananacue (banana coated with sugar) which were grabbed by the crowd right after being taken from the pan. Even though the sticks have been passed from one hand to another.

Ibang klase talaga kapag pinagbawal ano? Mas masarap talaga namnamin.

Maybe it gives a different flavor when something is verboten.
Street foods taste even better.

13 comments:

Anonymous said...

aba eh may dagdag ng ingredient na usok yung BananaQ...mas masarap nga! ha ha ha! gusto ko rin ng kwek kwek! wala akong pakielam kung nag sunbathing na sila at sinagap na lahat ng pollution sa Ciudad ha ha!

Anonymous said...

oonga, pero masarap kasi e db?

Anonymous said...

wag mong kalimutan, may kasamang langaw pa yan :)

eto pala lahok ko...Madumi

Nina said...

Ako gusto ko ang banana que. Iba kasi ang saging na saba dito :) Tapos lagi ako bumibili sa likod ng school namin ng squid balls, taho, fish balls, kwek-kwek. Meron ng mga modern na kariton yong made of stainless steel at may salamin na sya to minimize yong alikabok.

Anonymous said...

Gusto ng mga bata yan kaya ang gawa ko, sa bahay na alng nagluluto ng turon at saging saba na me asukal :)

Anonymous said...

eh sabi nga diba ate kengks, kung ano ang bawal yun ang masarap? :D

celia kusinera said...

Banana-cue! Penge naman. ;)
Eh yan daw ang pampasarap sa mga pagkain sa sidewalk - yung alikabok at usok ng tambucho. Hehehe!

JO said...

gusto ko ng banana Q! walang saba dito eh.

Eto ang aking lahok.

Joe Narvaez said...

Buti na lang may anti-hepa shots ako hehe... Miss ko na kumain ng lahat ng yan! Wala nyan dito eh.

Magandang araw! Ito po ang lahok ko.

Anonymous said...

ok lang siguro kumain dyan paminsan minsan... pasensya na at ako'y nahuli, pakisilip ang aking lahok... :)

Heart of Rachel said...

I just had banana cue the other day. It's one of my favorite afternoon snacks. :)

Liza on Maui said...

Oh I love those street food. Bola bola is one of my favorites. I also eat he chicken intestine (which others may find disgusting). And yes, banana cue, turon, lumpia, mainit na fried peanuts :)

Oh I miss the street food ...

Vk-mahalkaayo said...

ewan, sabi pa vitamin daw yon.

para sa akin, side or street vendor, hindi marumi.

pero naka-lagot talaga, why kung uuwi ako sa atin, kakain ako nito.......durchfall kaagad.
galit ako sa sarili ko, hindi na nag-arte ako, galing ako sa ganito,

kain na minsan wlang hugas....kain kung anu-ano, may ants, alikabok, or any........pero ito, nabuhay man,

pero this time, uuwi ako sa atin, kahit tubig sa gripo hindi pwede, kahit sa rest. tubig na hindi sa botelya.....hospital kaagad,

ewan, hindi sa arte na ako, ewan bakit......

ito ang present problem ko kung uuwi sa atin....magkasakit talaga ako, kay sa ki kim....

ayaw ko ganitong feeling, gusto ko, kasing pareho noon, noon na doon ako naka tira.......

lahat ok lang.........

basta para sa akin, tinda sa palengke, banketa, street or saan-saan, malinis and nutrious,,,,,,,,

thanks for sharing this, naku , salive ko lumabas.....