Kinagisnan ko na ang mga ganitong natawin dahil ang aming bahay ay napapalibutan ng palengke, pero para sa aking pamilya na hindi sanay, ibang tanawin ito. Ayan na nga at hindi nila maiwan ang mga isda.
I am used to seeings these things as I have lived in the same neighborhood since childhood. But for my family, these things are something different. You could see how fascinated they are with those freshly catched fish!
Nung unang nakarating ng Pilipinas ang aking asawa, manghang-mangha sya sa mga nakita nya. Hindi mo sya mapigilang maglibot sa kalye at hindi papayag yan na hindi dumaan sa palengke at pagmasdan ang paninda at kadalasan ay may dala syang camera at video recorder.
The first time that my husband visited the Philippines, he was in awe almost the whole time. He would be out in the street with his camera and video recorder. Of course, he wont miss the wet market.
Halo-halo naman kasi talaga ang mga nakasalansan. At iba't ibang klase ang makikita.
I cant blame him as there are really a lot of interesting things to see.
Ang hindi ko malilimutan, kinagisnan ko na ang mamang taho. Sya ang gumigising sa aming kalye kapag walang pasok sa eskwela - ang sigaw nya ng 'taho, taho' ang senyales para lumabas ang mga batang pupungas-pungas pa pero may dala ng baso at bente-singko para sa kanilang almusal na taho. At ang gusto ko, parating may sago!
Here is the taho (something like a jelly made of soya) man. He is our alarm clock during the weekend. When he starts shouting 'taho-taho', then everybody would be up and out of the house carrying their own glasses and a 25 centavos coin for their breakfast of taho. And I love it with sago.
Sempre, dapat ko ring banggitin ang mga tambay sa kanto. Kampay!
I wont forget those group of men in the corner. Cheers!
11 comments:
nakakaaliw naman yan! ang iyong mga nakagisnan ay naipamahagi mo sa iyong pamilya. :)
wow..ung ukay isinama rin sa mga prutas na paninda:)
saludo:)
maligayang LP:)
monkeymonitor.blogspot.com
mabuti naman at nagustuhan niya ang ating bansa... may kakilala akong puti na asawa ay pinay, pero ngayon pa lang sinasabi na ng puti na ayaw niyang pumuntang pinas dahil sa mga crimen at hirap na naririnig niya.
Eto ang aking lahok. Salamat.
alam mo nakakakmiss ang palengke :) Dito kasi sa supermarket lang ako namimili. Yong market dito wholesale. Pumupunta din ako pag minsan kaya lang nangangamoy fish kasi ako eh kaya ipanapaubaya ko na sa asawa ko o sa kapatid ko ang pagpunta sa palengke. :) hehehehe.... Saka dito kasi usually mga lalaki talaga ang pumupunta sa palengke or kasama ng babae ang kanyang asawa.
http://www.thefickleminded.com/2008/11/lp-kinagisnan.html
Naks talaga nakikampay si fafah!
Naku naman, namiss ko Pinas sa mga pictures mo :)
Na miss ko na rin ang mga tambay sa kanto. hehe. Kaya lang sa pinanggalingan ko walang nagtitinda ng taho. Hindi pa ako nakakatikim ng ganyan. :(
Ibang klase ang palengke at talipapa sa Pilipinas talaga! :) Who are those in the photo?
Thanks for visiting Norwich Daily Photo and leaving your comments. Enjoy the weekend!
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
I, Woman
galing ng entry mo...yan nga ang mga kinagisnan natin. penge ng taho.
sana po'y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia
I'm glad that your husband found many interesting things in our country.
The last photo made me smile. It shows how friendly your hubby really is.
meron pa bang 25 cents na taho?
kahit peso hindi na pinansin sa kalye....lol
i mean sa street, hindi na kunin, parang wlang value na ano?
ganda ng place nyo, miss ko na rin sa palengke namin.
magulo, maraming tao, pero masaya.....
naku! ganun din kami, nagkakagulo pag nakakarinig ng taho:) hanggang ngayon, katuwa nga eh.
Post a Comment