Mahalagang regalo sa akin ang aking mga anak, kahit na nagtatago sila minsan sa akin. Basta sila ay masaya at malusog, para na akong asa langit. Huwag lang sana sila masyadong makulit at talaga namang, grrrrr :)
I would love to see my kids happy and healthy, those are important gifts.
At para sa isang nanay at asawa na katulad kong halos 24 oras ang tutok sa pamilya, mahalagang regalo rin para sa akin ang katahimikan at ang pagrerelaks. Katulad ng ginawa namin dito sa Dive Solana sa Batangas.
And for a busy mom and wife like me, relaxation is also an important gift. Such as the vacation we enjoyed in Dive Solana in Batangas.
At isa pa sa mahalagang regalo ay ang pag-aabot ng tulong sa mga kababayan nating mas higit ang pangangailangan sa buhay. Kuha ito sa Bahay Kalinga kung saan binigay ng mga anak ko ang mga damit, laruan at kung ano mang gamit na maari pang pakinabangan ng ibang mga bata. Nakita nyo ba kung gaano kaganda ang ngiti ng batang ito dahil may bago syang laruan?
And another important gift is giving. It was really an experience when we brought some clothes, toys and other basic necessities to a charity house, Bahay Kalinga in Manila. Just look at the smile of that girl as she hugs her new toy.
16 comments:
katuwa naman ang unang larawan...at maganda ang mensahe ng iyong lahok...
Malulusog na anak. Nakakapag-relax mula sa mga ka-toxican at pagbibigay sa ibang nangangailangan, ito ay mga mahalagang regalo para sa ating mga nanay :)
magandang regalo rin para sa iyong mga anak ang itinuro mong pagiging generous sa mga higit na nangangailangan... tiyak dala nila paglaki ang pagiging mapagbigay sa kapuwa.
Magandang lugar yan ah... Tagal ko ng di nakapunta ng Batangas.
Ang aking lahok ay na-post dito. Sana makadaan ka. Happy Huwebes!
ang cute..ang ganda tingnan pag nakangiti lahat:)
maligayang LP;)
nandito ang entry ko:
http://asouthernshutter.com
nice... happy huwebes... :)
maganda ang mga interpretasyon mo ng mahalagang regalo. sana lang kung lahat ng tao sa mundo kanito ang iniisip ano
Kabaitan. Ang ugaling mapagbigay sa kapos-palad. Mahalagang regalo din =)
great weekend to you and yours neybor!
A wonderful family and good health are among the best gifts in life.
Yung Couples for Christ dito sa Marseille nag donate din dyan sa bahay Kalinga! Masarap talagang magbahagi sa kapwa tao !
Speaking of giving, grabeeeeeeee ka na supresa mo ako sa paket kanina:) Maraming salamat mami R! ang sarap sarap!!pati mga bata tuwang tuwang! Grabe fresh na fresh parang kalabas lang ng oven sa lambot!! mwah mwah talaga!:D
napakabuti ng inyong kalooban. Sana ipagpatuloy mo ang pag-share sa mga less fortunate.
Happy LP!
Keng,sheilah went to bahay kalinga last sunday and the sisters said they already got your balikbayan box. the sisters doesn't know where to thank you.
Elaine
hi elaine - okay na yun. just the thought na gusto nila kaming hanapin to say thank you e thank you na rin yun :D
Ang mga bata kahit na nakakatuyo ng dugo ang kakulitan ay talagang magandang regalo para sa ting mga magulang...
ang saya-saya naman ate kengks, what a happy, meaningful way to spend your life. :)
Post a Comment