Wednesday, January 14, 2009

Blue Jeans

Asul = Blue

Ito ang aking mahal na Levi's Blue Jeans. Nag-ipon ako ng aking allowance sa kolehiyo para lang mabili ko sya sa SM North EDSA nung 1988. Sa tumataginting na 888 pesos na presyo niya ay pikit mata ko syang binili. Kasi luho talaga sya sa aking paningin.

I love this Levi's Blue Jeans. I saved my allowance in college so I could buy this pair which costed 888 pesos. A lot of money during those time, thus, this jeans is a luxury for me.

Matagal na rin kaming magkasama, kahit na saang sulok ng mundo na ako nakalakwatsa. Halata naman sa itsura nya di ba? Huling nagkasya sya sa akin nung 2007 pa. Kahit na may dalawang anak na ako :D Nitong nakaraang araw e sinubukan ko ulit sya isuot. Alam nyo kung ano ang sabi nya? Oras na daw para ako mag-diet at mag exercise :D

The jeans and I have a long history. The last time I wore it was in 2007, and I already gave birth to my girls at that time. The jeans is telling me to diet last week, it simply wont zip anymore :D

13 comments:

manilenya said...

wow mami kengkz! almost 21 years na yang lonta mo? pwede mo ibenta sa ebay yan ha :)

sabagay hanggang ngayon me sinusuot pa kong mga tshirt ko sa college e :) malapit na ring mag twenty years lol!

RoseLLe said...

wahh! ako din merong jeans na di na magkasya...ayaw kong itabi para lalo akong ganahang magpapayat muli. nice entry. gandang LP Huwebas mula po sa:
Reflexes
Living In Australia
na sana'y inyo ring madalaw.

Mauie said...

"Oras na daw para ako mag-diet at mag exercise :D"

LOL! Napaisip tuloy ako kung ano ang sasabihin ng pantalon ko nung college lung isusuot ko uli ngayon. Tsk tsk tsk, baka sipain ako pabalik sa gym!

Magandang araw ka LP!

thess said...

susmaryopes, talagang gamit na gamit na sya! pero naisuot mo pa kahit 2 kids na ha, galing!! samantalang ako ay taon taon nagdadagdag ng kilos hu hu

happy lp!

Toni said...

Soon you'll fit into them again! :)

cheh said...

Grabe ka kengs!pero bilib ako ha kasya pa! ala na akong nabitbit na galeng pinas na damit eh :( sa Turkey palang nag goodbye na ako sa kanila.Ewan ko ba,pag five years na lalo na kung bihira ko lang isuot tinatapon o pinamimigay ko na!si mister ko ang baliktad kaya ako ang nagtatapon ng gamit nya! hehe

Magandang araw jan sa iyong banda kengs!enjoy your day!:)

Joy said...

ha ha ha,, teka anong size ba ng bewang baka bente tres... e kaya naman nagpapaalala lang sayo ...na kotnting dyeta naman

JO said...

matalik talaga nating kaibigan ang ating mga jeans... kasi sila ang magsasabi na kailangan na natin mag diet.

eto ang aking lahok.

Jay - agent112778 said...

kung ayaw mag ZIP e di make it FLY :)
as in buttonfly :)

eto aken lahok
at eto pang isa


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Tanchi said...

wow....sabay nga talga kayong tumanda :)

MALIGAYANG LP
bisita ka rin sa post ko:

http://asouthernshutter.com

haze said...

That looks old, buti ka pa merong pang natatago ako ata wala na :( !

joanne said...

Raqgold, ako din. But I have a LOT more lbs. to lose:)

Buge said...

Wow! 20 years old na to! Buti natago mo pa. Happy LP!