Monday, June 18, 2007

What a...


Look at the photos of my little three year old girl, please.

I dont know, for once, speechless ako. Super posing. Halos mabali-bali na ang balakang para lang maka emote ng todo. At todo sukbit pa ng kamay sa bewang!

Anong nangyari? Did I miss something, huh? May gusto lang naman akong kunin sa kotse. Tapos biglang syang sumulpot sa tabi ko at nagbitin-bitinan. And biglang nagpagisipan nya - 'mama, picture please.'

O ayan na nga. Wala syang paki-alam, kahit na halos madulas sya. Ang importante, maka pose sya. I didnt get to react while snapping the photos, kasi sa camera lens ako nakatutok e. Aba, nung i download ko na ay...

Buti na lang naka upo ako. Di ko alam kung matatawa ako ng malakas dahil sa histerya o maiiyak sa di ko maintindihang tadyak sa damdamin ko. Saan naman kaya nya nakuha yang ganyang posing, hane. Maitanong nga mamaya.

(Ang anak ko, she's now a lady, kumikikay na in front of my very eyes! Hay buhay!)

6 comments:

Mitchteryosa said...

Aren't you glad? She has the potentials of becoming a super model hihihi!

raqgold said...

ay, di ko naisip yon ah :-)

Mitchteryosa said...

Alam mo ba ako tinuturuan ko pa anak kong magpose hahaha! Kunsintidor na nanay eh no? And I sooo love it when she does nakakatuwa kasi heehee!

ScroochChronicles said...

Ang cute naman nyan!! Tama si Mitch, malay mo maging "Germany's Next Top Model" yan :)

raqgold said...

ganun! kayong dalawa kunsintidora :-) isali ko kaya sya sa eat bulaga, meron pa bang little miss philippines -- i ready ko na ang kanyang knock knock joke, haha.

Mitchteryosa said...

Meron pa ata nun sa Eat Bulaga hehe!