Saturday, June 2, 2007

Keep or Kick? Help!



Naku, medyo mahirap itong blog ko na 'to. Iwasan kong mag Inglis para di maintindihan ng asawa ko :-) Kasi nagbabasa yon ng mga blogs ko e.

Itong asawa ko, nung isang linggo, punta daw sya sa isang kliente nya. Yung may ari ba ng isang tindahan na nagtitinda ng mga branded. Ang tanong nya sa akin, anong gusto mo? Sabi ko, naghahanap ako ng malaking bag. Natawa asawa ko, sabi nya, 'ganun ang dami mo ng bag ah.'

Sagot ko naman, 'ano ka, gusto ko yung malaking malaking bag na kasya lahat ng gusto kong dalhin kapag lumalabas tayo kasama ng mga bata lalo pa ngayon at tag init. (Listahan: damit, pamunas, tabo, inumin, pagkain, plaster, lotion, atbp).

Pag-uwi nya sa bahay, dala na nya. Isang malaking canvas bag na ka kulay ng buhangin sa Boracay, may konting leather. Pito ang bulsa nito, kasama na ang para sa handy. Pero nag-aalangan ako e.

Kasi nakita ko yung presyo nito. Medyo napalunok ako. Di yata bagay yung presyo nito sa kanyang itsura.

Kumbaga, sigurado ako, makakakita pa ako ng mas maganda. Isang Linggo ng nakatambay sa karton nya itong bag na ito. Naiinip at naiinis na asawa ko. Para sa akin daw yon. Ayaw ko ba daw. Sabi nya sa Lunes daw, ibabalik nya ito, sa ayaw ko o sa gusto ko.

Kaya ang tanong ko, ano sa tingin nyo? Keep or kick? Help!

2 comments:

Christianne said...

Hmm, it looks very convenient with all those pockets, at mukhang matibay siya. I usually choose good bags so that they last a long time even under my abuse, hehe. How much is it? :D

raqgold said...

thanks christianne -- i admit, it looks good pero ang presyo yun ang bone of contention e -- almost 80 euro, arrgh! i think it's too much!! excuse me, am a bargain hunter through and through :-)